Dapit-hapon ng Sabado,
April 14, 2012, habang nanunuod ako ng Aliwan Fiesta Parade sa Roxas Boulevard,
sumaglit akong sumilip sa inaayos na Bay Walk, nakakatuwang tignan ang araw na
papalubog, parang humahalik sa dagat, mala-gintong kumikinang ang
repleksyon sa tubig, may mga ibong animo'y nakikipaglaro sa hangin habang
naghahanap ng madadagit.
Habang kumukuha ako ng
shots, dumaplis sa aking isipan, "sayang wala si Mark, magandang kunan ang
sunset bago pa naman ang kanyang camera." Sa laot maaaninag ang naglalayag
na mga barko. Bigla kong naalala na " ga-gradweyt na pala sya sa Lunes,
April 16 sa kanyang 2nd course, magiging sea man na ang aking kaibigan."
Alas-8 ng gabi, tinext ko
pa sya kung susunod pa sya saken sa CCP Complex. 'Di na nagreply. Inisip kong
nagtampo kasi mas binigyan ko pa ng halaga ang pumunta sa Aliwan kesa magkita
kami at umattend ng service sa PGH Chapel. Pero yun pala ang oras na sya'y
nakikipagtuos kay kamatayan.
Kung gaano ako natuwa sa
aking mga shots ay syang walang katapat ang aking pagtangis nung malaman ko ang
kanyang paglisan. Hindi ko inakalang ang araw na iyon ay syang magiging
kanyang dapit-hapon; na sya ay tuluyang lalayag...
Iyon na pala ang aming
huling bonding... Si Mark at ang Manila Bay Sunset noong April 14 marahil ay
iisa.
By Nino Kristobal Selibio
https://www.facebook.com/ninokristobal.selibio/about
https://www.facebook.com/ninokristobal.selibio/about
No comments:
Post a Comment